“You better watch out, you better not cry, you
better not pout I’m telling
you why, Santa Claus is…” dead.
Not literally of course, tumatanda lang talaga
tayo. We no longer believe
in Santa! (Baka meron pa dyan ha, sinasabi ko
na. If you saw your mommy
kissing Santa Claus, alisin mo yung hat at balbas,
at mukha ng tatay mo ang
bubulaga sayo! O kung tito mo man yon, wawang
bata! ibalot mo na ang iyong
mga damit sa isang pulang blanket na may white
polkadots. Itali sa dulo ng
isang wooden stick at ipatong sa balikat! Voila!
ready ka nang lumayas!)
O teka, lumalayo na tayo sa usapan. Tumatanda
ka na! Lesbiana na ang
favorite na childstar mo at ang crush mo sa That’s
ay mommy na sa mga
shows. Lalake na ang bading na si Tonette. Si
Dolphy iniwan na ng kanyang
mga sidekicks at si Pilita na lang ang one and
only oldies na walang
kulubot! Let’s have a blast from the past, back to
when we were called
gradeschool pupils na tahimik pa sa school bus
dahil overpowered ng mga
highschool busmates na kumakanta ng ” uwian
na, uwian na” to the tune of
Here comes the Bride!
Mapunta muna tayo sa Pagkain… Yung Chizels
and Chikadees na may freebies
inside, superfriends cards and playmoney etc… Si
kalbong Ziggy na walang
pang-ibabang saplot ay free pa sa Tang. Kadiri!…
Yung Haw flakes na bago
mo isubo, bubulong ka pa ng “the body of Christ”
at ikaw rin ang sasagot ng
“amen”… E yung mga ibang junkies na
sumakabilang-buhay na tulad ng Flag
(yung bilog-bilog at technicolored na candy sa loob
ng isang flag), Puffy
cones, at ang mga Jack n Jill goodies na Prawn
Curls, Nuts n’ Pops and
Munchies?… Yung popsicle na yellow sa taas at
orange sa baba, ano nga
bang tawag don? up and down nga ba?… Ang
lollipop na dini-dip sa powder?
E yung Royco chicken noodle soup na hinahain
pag may lagnat tayo. Gumawa
pa ng Alphabet at Space variants na pag
overcooked naman ay buntot lang ng
letter “Y” o ulo ng “P” ang nakikita!… At yung
Bazooka na palakihan pa
ng mahipang bubble at ang Eat Bulaga lang ang
katangi-tanging may panukat
na caliper, san ba nakakabili non?! Nababalot pa
ito ng isang boring
comics ukol sa buhay ni Bazooka Joe!… Kung
wala namang pera pambili ng
mga nasabing goodies, mamimitas na lang ng
kamias o aratilis sa kapitbahay
o sisipsipin na lang ang santan na pinitas sa
garden ng kapitbahay
(makikiagaw pa kayo sa black ants)…
Lets go to the TV shows… Student Canteen (na
pingangungunahan nina Malou
Maglutac at Chiqui Hallman) John n’ Marsha, 2+2,
See True, Champoy,
Cafeteria Aroma, Manok ni San Pedro, Joey and
Son? Sige malamang hindi…
Iskul Bukol kung saan galing ang mga stereotype
characters na sina Miss
Tapia (kung losyang), Tonette (kung lalaking fairy),
at Mang Temi (kung
mukhang mata at ngipin lang na lumulutang tuwing
sasapit ang gabi)… Hapi
house with our favorite Chuckie Dreyfus boy and
the Granada girl na may !
mga pilikmata na tila ba’y inaabot ang mga
televiewers sa kanilang
bahay?… Yung post-eat bulaga teleserye tulad ng
Yagit (kung may nakitang
batang mataba ay Tomtom na ang tawag) Agila,
Valiente at kung sa gabi ay
Ana Liza at Flor de Luna… Sa paglipat mo naman
ng TV at may nakita kang
taong nakapaloob sa oblong sa may lower left
corner ng TV, deep in your
heart, alam mong naka tune-in ka na sa Kapwa ko
Mahal ko… Nung later 80’s
naman ay maeenjoy nyo ang bedroom voice ni ate
luds tuwing dapithapon sa
Eye to Eye, kung saan walang kupas na
tinatanong ni Ate Luds lahat ng
nawawala ng “kilala mo ba ako?”. Siyempre
sasabihin oo kahit hindi,
iniiwasang mapahiya ka sa telebisyon no! Dito rin
sapilitang isinisingit
ang pagdadalo ni Klang-klang sa parties ng mga
anak ng artista!—Care
namin ‘te!… o kung sosy kayo, mommy mo
nanonood ng Dallas, Knots Landing,
Dynasty and Falcon Crest at ang Daddy mo ay
naka A-team, Miami Vice, Knight
Rider, Price is Right, Family Feud at $25,000
Pyramid… Sa cartoons,
naalala mo pa ba ang Saturday Fun Machine na
may He-man (binabangungot ka
pa sa mukha ni Skeletor!), She-ra (na gusto mo
magkatuluyan sila ni He-Man
ayun pala’y mag-ate!), GI Joe, Transformers,
Smurfs, Fragile Rock, Great
Space Coaster at Shirt Tails! Kala mo sosy pero
sumisilip naman sa Batibot
kung wala si “mom” and “dad” para lang
mapakinggan ang kwentong barbero ni
Kuya Bodgie, si Toto Peg at ang kanyang
konsyensya at ang Kulot to the
roots na hairdo ni Ate Siena (I bet naka-rebond
na ‘to ngayon)!
“alagang-alaga namin si Puti, bakang mataba
bakang maputi!”. Aminin nyo na
nakapanood din kayo kahit sabihin nyo pang
laking Sesame Street kayo!
Speaking of Sesame, patay na ang negrong si
David, at si Maria at Luis, at
si Bob at ang piping si Linda, ay mga mag-asawa
na. Sila-sila rin
nagkatuluyan! Bakit kaya si Ate Siena at Kuya
Bodgie hindi? Asa ka pa!
Marami nang nagbago sa Sesame Street, nakikita
na si Snufflepagoos, pero,
isa pa rin lang ang malahigad na kilay ni Bert
(granting na bading daw sya,
e dapat lang yung shape at bilang ng kilay ang una
nyang inaatupag!)… Eto
for sure naalala nyo, That’s Entertainment!
Brought to you by Berds tree
milk powder (ika nga ni Kuya Germs!), with 17
vitamins minerals and
lecithin! Well, makakalimutan mo ba ang
pinagmulan nina Romnick (in his
tight macho shirt and rolled sleeves) and Manolet
Ripol? Napinagtangkaan
pang pataubin ng Star Brighters ni Kuya Boy C. de
Guia. Wish nyo lang!
Sa mga local films naman, di na nagsawa ang
mga director sa kantahan sa
beach at habulan sa eroplano… Kung action
naman, ay malamang tungkol sa
mga nangangabayong “tulisan” (na
pinangungunahan ni Romy Diaz) na
tumatangay ng mga babae na naliligo sa batis o
sapa at syang dadalin sa
kanilang “kuta” para ihain kay “pusakal”! Ang bida
ay malamang isa sa mga
magkakapatid na Lapid (Si Rex, Jess o the very
famous Lito), si Dante
Varona, Ray Malonzo (na akala nyo ay isang
Lapid din) o kaya naman ang cute
na si Wengweng! — Kung laking yaya ka, get mo
ang mga pinagsasabi ko…
Sino bang makakalimot sa Inday series ni Maricel
long before naisip nyang
ayaw nya ng madumi? At kung gaano ka pangit
ng ichura ni Snooky sa Blusang
Itim? Tulad ni Skeletor, kabangu-bangungot!
Commercials naman tayo… Alala nyo pa ba si
Eric Baines ,the “Colgate Man”
na dip ng dip ng chalk sa black ink? E yng Crest
toothpaste na may
pasuntok-suntok pa sa palad? Siguro hindi, pero
ang Pepsodent malamang
maalala nyo kasi lasang bebelgam!… E ang
pinong panlaba na gentle on
hands — Ola! Nga pala, napansin nyo bang wala na
ang Superwheel? Ha!
Nagwagi rin ang Tide na talaga namang naloka na
sa kakaisip ng kung
ano-anong wild ingredients na secret formula kuno
para pumuti pa sa puti
ang labada. Hoy Tide, hindi lahat ng damit puti!…
Ang Haba-Haba ballpen
na ang Ikli-ikli naman ng buhay, naalala nyo pa?
At ang Liquid Paper
cinocover ang mali, ang tipid, ang galing! … Ang
nestea plunge na ilang
beses mo na pinagisipang gawin pero ang fear
mong mabagok ang only thing
that’s holding you back from doing so… Ang RA
Homevision — “zero in and
rent your favorite videocasette tapes blah-blah”,
kundi pa nagpakita ng
clip from Smurf ay di nyo papansinin ang
commercial na ito. To the
concerned owner: malamang nalugi ka dahil
walang may alam ng lokasyon mo!
Binabanggit din kasi yon sa commercial lalo na’t
pansamantalang family
business ka lang. Buti pa ang ang Arthurs Legaspi
Towers in Taft Avenue
made-to-order pants and barong finished within 6
hours? (perfect sa mga
napikot!)… C.Y. Gabriel Wonder ang sabon ng
mga artista? Ows, meaning to
say yon ang sabon ni Ate Vi and Ate Shawie? I
really (100X) don’t think
so… E ang 680 Home appliances na may mag-
asawang unano sa ilalim ng
kahon sabay kanta ng “why don’t you shop around
with a friend?” Teka Rod,
sisingilin mo pa yang mga kinahon mo… Ang
Sheraton bed na may elepante
pang kinonchaba para sumirko-sirko sa kuchon!
So elepante sa kuchon…
kuchon nasa loob ng bedroom… hmmm… mabuti
na nga yung handa!… Siempre
ang paborito ng lahat ng mga bata, ang Goya Fun
Factory who made us believe
na may flowing stream of chocolate doon. Nagfield
trip pa kami don, Dyosme!
Puro gray na makina lang talaga! as in pabrikang-
pabrika! Mga nagoyo ng
Goya!… PG 18 naman — pag may babae naka
bikining pula at nakasakay pa
sa puting kabayo at heto’t umaalog alog sa screen
alam nyo na kung anong ad
yon — Red horse? Di rin. Ano pa kundi White
Castle Whisky, na di na
naubusan ng starlets na isasakay sa kabayo!…
Speaking of starlets, ang
Technogas commercials na pinagbibidahan ng
mga kamag-anak ng direktor o
kung malaki-laki ang budget, itong mga starlets
nga ang bida! “Look for a
Star!”. Talaga lang ha, asan?… Well kung nag-
tune in lang kayo sa IBC 13
at RPN 9 ay get nyo ang mga pinagsasabi ko.
Nasa commercials nga lang din tayo mapunta na
tayo sa mga jingles na hindi
naman natin kusang minemorize, pero whole-
hearted nating alam ang lyrics…
tulad ng mga kanta ng Air Supply (aminin!)…
Unahin natin siyempre sa “I
remember yesterday, the world was so young … Is
that you Lolo. Look at
my mole!” Ganun na ba kalinaw ang mga kodak
noon at kitang-kita ang nunal
ni lolo sa side pa ng mukha? Sige na nga…
Sundan natin ng mala-Gulong ng
Palad na rendition ng Yakult jingle ” ito’y aming
karangalan blah-blah…
yan ang diwa ng Yakult syang tunay na diwa ng
Yakult “–ewan na! Sa
dinami-daming tagatulak ng Yakult cart na naitipon
nila para sa commercial,
wala kang makikita ni isang tagabenta ng Yakult
sa kahit saang kalye sa
Maynila! Mga stirero talaga! parang Goya…
eto, “. ..laro at trabaho at
all day fun you need sunglo juice drinks, dancing
at the party, picnic at
the park, sunglow juice drinks, sunglo juice drinks”
na akala ng lahat ay
si Rey-An Fuentes (magkasingkulot pero hindi
talaga sya yon) ok sige, baka
ako lang nakakaalala non… eto, “i’m gonna knock
on your door, ring on
your bell, tap on your window too… blah-blah-
blah… i’m you’re friend
the Electrolux man. ” Extinct na ang mga ginoong
ito pero napalitan naman
sila ng mga Mormon na sing kisig dinm, so wala
ding loss — as if!… Ah
eto, I’m sure alam ng lahat ng Pilipino ito by
heart!…ang walang kupas
na… “Seiko seiko wallet, ang wallet na
__________, balat nito ay
_________, international pa ang mga__________,”
O di ba na fill up nyo yung
blanks!
Syempre pag bata ka, di mawawala ang mga
ubiquitous mascots na magkakamukha
naman iba-iba lang ng costume! Kumpleto pa
noon ang barkadahang Jollibee,
Chickee (iba pa si Chiqui Hallman), Lady Moo (ang
ballerina slash cow, and
not the other way around!), Miko (yung naka shorts
at naka milkshake hat,
as if naman may milkshake sa Jollibee!), Mr. Yum
(Si Miko lang ‘to na
naka-Amerikana, pa-mature ba), Popo (si Miko
din ‘to na may fries sa
bunbunan) at Hetty Spaghetti (si Miko pa rin to,
pag gabi) para kalabanin
ang sosyalin na Amboys na sina Ronald,
Hamburglar, Birdie (hindi yung
naiisip mo! ibon talaga sya) at Grimace (may ube
pala sa McDo?)! At
present, mag-isa na lang si Jollibee sa mga parties
without friends in
contrast to Mighty Kid who has got new friends! Di
ka in kung hindi Mighty
Kid ang rubbershoes mo!… Mawawala ba naman
sa parties si Howie, ang
mala-ulap na mascot ng Magnolia? Well sana nga,
nang dahil sa kanya
nagkaphobia ako sa Cumulus clouds at mga
mascots! Ni hindi ko na malapitan
ang friendly mascots na sina Susie at Geno
(bisayang Gino), at sina Es and
Em — the pride of SM na nachismis pang si Henry
Sy daw ang nasa loob ni
Es o baka naman ni Em? Hmmm… E si Tanya at
ang Rainbow Riders ng Rustan’s
kilala nyo? Di siguro, pang sosyal yon e…
Sa fads naman nung bata tayo… naalala nyo ba
ang Yo-yo craze na may
Coca-cola, Royal, Sprite designs at may
exhibitions pa gaya ng Wallking the
Dog at Rock-a-bye baby! O kaya naman ang mga
BMX bikes na may pa-uso pang
rampa at wheelie!… Ang Game n’ Watch na
Mickey Mouse, Popeye, at Donkey
Kong na eventuallly napalitan ng Gameboy… Ang
atarri na naging Family
computer (o Nintendo sa mga rich kids) kung saan
naging bantog ang
magkapatid na Mario at Luigi na kung saan-saan
inuuntog ang mga ulo para
lang makakain ng mushroom at flower (hindi ulit
yung naiisip mo, as in with
stem, petals, hinahabol ng bee—the works!)? Ang
up-down, up-down,
Left-right, left-right, select, start para magka extra
life sa Contra (Kay
macho-macho sa barilan pero kung mapatay
naman ay naka usli ang isang
binti!)… Ang mga Panini sticker album na may
Thunder Cats para sa mga
lalaki, Barbie at Carebears sa mga babae at mga
batang bading… Ang mommy
mo ay naka perm pa non na tila ba’y tatagal ng
isang dekada with matching
mala-kahon na shoulder pads pa, at ikaw naman
ay nakiki-Aquanet tulad ng
mga highschool sa iyong schoolbus…
O kung naalala nyo lahat ng ito ay above 30 ka
na! Pag 50% lang, nasa 25
ang age mo. Pag wala kang naalala, dalawa lang
ibig sabihin non, hindi ka
pa pinapanganak, o isa ka nang robot na med
student nung mga panahon na
yon!